--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinagtibay ng Sangguniang Panlunsod ang ordinansang nagpapalawig sa pagkuha ng mayor at business permit sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP Member Edgardo Atienza Jr, sinabi niya na minabuti nilang magpatibay ng ordinansa upang palawigin ang deadline ng pagkuha at pagbabayad ng business permit dahil hanggang January 30 lamang ang nakalagay sa Local Government Code.

hanggang March 30, 2021 aniya ang pagpapalawig ng pagkuha ng mayor at business permit sa lunsod.

Ayon kay SP Member Atienza, ginawa nilang isang quarter ang pagpapalawig habang mas mahaba sa ibang lugar.

--Ads--

Dahil nagkaroon aniya ng pandemya at apektado ang mga negosyo ay minabuti nilang palawigin upang matulungan na makabangon ang mga negosyante.

Ito ay bilang pagsunod din sa mga health protocols tulad ng social distancing kapag nagtungo ang mga negosyante sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa city hall upang magbayad.

Ang pahayag ni SP Member Edgardo Atienza Jr.