
CAUAYAN CITY– Sinimulan na noong araw ng Sabado at Linggo ang paglalagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) region 2 ng mga signages sa national highway at ilang bahagi ng Nueva Vizcaya upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga aksidente sa daan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Wilson Valdez, Spokesman ng DPWH region 2 na bukod sa national highway ay naglagay din sila ng signages sa second district ng lalawigan kabilang ang bayan ng Kaisibu na mayroong naitatalang aksidente sa lansangan.
Matapos mailabas noong Biyernes ang memorandum kaugnay sa paglalagay signages ay sinimulan na nila ang paglalagay noong mga araw ng Sabado at Linggo.
Inaayos na rin nila ang mga signages upang maiwasan na ang pagkakaroon ng mga aksidente.
Marami anyang mga sharp curve o paliko-likong daan sa Nueva Vizcaya na mayroong nakalagay na signages na dapat lamang na pansinin na mabuti ng mga motorista upang maiwasan ang aksidente
Bukod anya sa paglalagay ng mga signages ay patuloy din ang DPWH region 2 sa kanilang widenning, paggawa ng mga bagong farm to market roads, bypass road at reblocking project.
Suliranin din nila sa pagsasagawa ng mga proyekto ay ang pagkakaroon ng pagguho ng lupa na kanilang ginagawan ng pamamaraan.










