--Ads--

CAUAYAN CITY -Humigit kumulang 7 sako ng plastic waste o basura nakuha ng mga naglinis sa mga estero at sapa sa ng mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office Santiago City bilang suporta sa pagdiriwang ng National Arbor Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Environment and Natural Resources Officer Mario De Guzman ng Santiago City, sinabi nito na isa ito sa hakbang ng kanilang tanggapan para matiyak na hindi barado ang mga estero at maayos na dumaloy ang tubig patungo sa ilog upang maiwasan ang pagbaha .

Katuwang ang ilang opisyal ng Barangay, nilinis din ng mga kawani ng CENRO ang mga sapa tulad ng Rizal Creek, Plaridel Creek, Viscalang Creek ng Barangay Calao East, Santiago City at Pakiki Creek sa Barangay Malvar, Santiago City.

--Ads--

Aminado ang City Environment and Natural Resources Officer na mayroon pa ring mga plastic waste ang kanilang nalinis sa mga nasabing sapa at maging sa mga estero sa lunsod.

Tinig ni City Environment and Natural Resources Officer Mario De Guzman ng Santiago City

Nakiusap siya sa mga mamamayan na ipunin ang mga plastic waste upang hindi bumara sa mga dalayuan ng tubig at maiwasan ang pagbaha.