--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa halip na magpatupad ng price ceiling ay pagtututunan ng Department of Agriculture (DA) region 2  ang pagpaparami ng supply ng baboy sa Lambak ng Cagayan para mapababa ang presyo sa merkado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2, sinabi niya na ang tustos ng baboy ay magmumula sa mga non-infected municipalities sa Cagayan at Isabela.

Maliban dito ay may ilang supplier mula Tarlac ang binigyan nila ng pahintulot na makapagpasok ng baboy sa region 2 ngunit dadaan pa ito sa masusing validation upang matiyak na ang ipapasok na baboy ay walang ASF.

Maliban sa mga buhay na baboy ay papayagan din ang pagpasok ng mga semi-processed pork products.

--Ads--

Tiniyak ni Ginoong Edillo na niya na kahit mabigyan ng exemption ay kailangan pa rin nilang magpakita ng mga katibayan na ASF free ang mga ipapasok na baboy at pork products sa region 2.

Ang pahayag ni Regional Director Narciso Edillo.