--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaasahang magsisimula ang operasyon ng kauna-unahang molecular laboratory sa Isabela sa buwan ng Oktubre 2020.

Noong Setyembre 9, 2020 ay isinagawa ang molecular laboratory cornerstone ceremony na ginanap sa PDRRMC Operation Center ground sa Provincial Capitol na dinaluhan ni Congressman Antonio Albano, Governor Rodito Albano, ilang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at mga opisyal ng Philippine Red Cross (PRC) Isabela Chapter.

Nag-donate ang pamahalaang panlalawigan ng lupa na pagpapatayuan ng molecular labotarory na paglalagyan ng mga container van o tinatawag na smart houses para sa mga laboratory equipment.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Administrator Josie Stephany Cabrera, sinabi niya na sinimulan na ang pagpapatayo ng laboratoryo at inihahanda na ang mga requirement para sa akreditasyon ng Department of Health (DOH).

--Ads--

Kapag nabuksan na ang molecular laboratory ay maaaring makapagsagawa ang dalawang laboratory machie ng RT-PCR o swab test ng halos 2,000 specimen sample sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Administrator Cabrera, upang maiwasan ang pagdagsa ng mga residente na sasailalim sa swab test ay kokolektahin na lamang ng PRC ang mga sample mula sa iba’t ibang bayan at lunsod saka susuriin sa laboratoryo.

Ang pahayag ni Administrator Josie Stephany Cabrera ng PRC Isabela Chapter.