--Ads--

Patay ang isang pahinante matapos maipit sa bumaligtad na Wing Van sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Barangay San Luis Diadi, Nueva Vizcaya.

Ang sangkot ay ang Isuzu Truck, Aluminum Wing Van, na minaneho ni Alvin Casem Velasco, 34 years old, at residente ng Matabang Maasin, Mangaldan, Pagasinan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na binabagtas ng naturang sasakyan ang nasabing lansangan kaninang alas tres ng hapon, April 23, at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente partikular sa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng preno ang nasabing sasakyan.

Sinubukan namang umiwas ang driver sa mga kasalubong na sasakyan subalit bumangga umano ito sa isang pader at kalaunan ay natumba sa northbound lane ng nasabing kalsada.

--Ads--

Naipit sa nasabing sasakyan ang pahinante na si Jay Ar Jimenez ngunit natanggal din kalaunan sa pagkakaipit nito.

Nagawa pa itong madala sa pagamutan subalit idineklara nang dead on arrival.

Dahil sa insidente ay nararanasan ngayon ang mabigat na daloy ng trapiko sa naturang lugar.