--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaalam pa ng mga otoridad kung paano nahawa sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang Pakistani national na namatay sa nasabing sakit.

Unang dinala sa isang pribadong ospital si CV1153 na 53 anyos na Pakistani at transient resident sa Purok 4, Calamagui 2nd,City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSg Carlos Sicam,  officer-in-charge ng contact tracing team, sinabi niya na ang pasyente ay nagpositibo sa COVID-19 at nasawi sanhi ng komplikasyon dahil mayroon siyang diabetes at sakit sa puso.

Noong Sabado ay inilipat si CV1153 sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City at binawian ng buhay noong Linggo, ika-13 ng Setyembre.

--Ads--

Inaalam pa ng mga otoridad kung saan posibleng nahawa ang Pakistani dahil wala siyang kasaysayan ng paglalakbay sa mga itinuturing na high risk areas.

Ayon kay PSSg Sicam, sa isinagawang contact tracing ay nasa anim ang naging 1st degree contact nito na karamihan ay miyembro ng kanyang pamilya habang nasa walo ang 2nd degree contact.

Dinala sa LGU quarantine facility ang asawa at  ang mga immediate contact ni CV1153.

Inilibing ang kanyang bangkay sa isang sementeryo sa Namnama, City of Ilagan.

Ang pahayag ni PSSg Carlos Sicam.