CAUAYAN CITY– Isinailalim sa lockdown simula kaninang tanghali hanggang araw ng Martes ang pamilihang bayan ng Ramon, Isabela.
Ito ay para sa pagsasagawa ng disinfection sa loob ng pamilihan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isang manggagawa sa palengke ang nagpositibo sa COVID-19 kayat kinakailangang magsagawa ng disinfection.
Samantala, naitala ang pang-65 na positibo COVID-19 sa Ramon, Isabela sa katauhan ni CV 6307, 23 anyos na binata at residente ng barangay Bugallion Norte.
Wala siyang travel History of travel ngunit closed contact ng kanyang ina na si CV6106.
Mayroon namang 6 active cases na kinabibilangan nina CV 6307, CV 5945, CV 5944, CV 5943, CV 5947 at si CV 6252.
Ang mga active cases ay nasa Camp Vizcara Isolation Faclity.
Mayroon namang 58 naka-recover at isa ang namatay.
Pinag-iingat at pinayuhan ang mga mamamayan pangunahin na kapag nagtutungo sa mga pampublikong lugar na sundin ang mga health protocols upang makaiwas sa COVID-19.










