--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa naganap na pamamaril sa isang kasalan sa Sitio Flaviano, Barangay Dalena, San Pablo, Isabela  na ikinamatay ng  isang Brgy. Kagawad at ikinasugat ng walong iba pa  kabilang ang isang kapitan.

Ang  namatay  ay  si Barangay Kagawad  Girlie Telan ng barangay  Simanu Sur, San Pablo Isabela.

Nasugatan din si Punong Barangay Brixsio Gammaru habang ang 7  iba pa na nasugatan ay inaalam pa ang kanilang pagkakilanlan.

Lumabas sa  imbestigasyon ng pulisya  na kasalukuyan ang sayawan sa kasal ng isang kinilalang PCorporal  Bryan Pattalitan nang maganap ang pamamaril ng hindi pa nakikilalang pinaghihinalaan.

--Ads--

Kasalukuyan umano ang pagsasayaw nina Brgy. Captain Gammaru at iba pang dumalo sa kasal nang biglang pumasok ang pinaghihinalaan sa dancing floor at binaril si Brgy. Captain Gammaru at ipinagpatuloy ang pamamaril kung saan tinamaan ang ilang manonood.

Agad namang dinala ang mga biktima sa Milagros Albano District Hospital upang lapatan ng lunas ngunit idinineklarang dead on arrival ng attending phyician si Brgy. Kagawad Telan at ang suspek sa pamamaril.