CAUAYAN CITY– Isinailalim sa swab test ang apat na kapamilya ng nasawing Coronavirus Disease (COVID-19) posiive sa Cauayan City.
Ang nasawi ay si CV2856, 59 anyos na lalaki at residente ng Mabantad, Cauayan City na nakaranas ng lagnat, bo at pananakit ng dibdib.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Francisco Asuncion Jr., ng Mabantad, Cauayan City, sinabi niya na nagmomonitor ang Department of Health (DOH) sa kanilang barangay at isinailalim na sa swab test kapamilya ng nasawing COVID-19 patient.
Ang pasyenteng nasawi ay inilibing noong araw ng Sabado sa San Francisco cemetery at umabot sa 25 na tao ang nakipaglibing na sa kasalukuyan ay sumasailalim sa strict home quarantine.
Kasabay nito ay ipinatupad na ang lockdown sa ilang bahagi ng Purok 7, Mabantad, Cauayan City.
Ayon kay Barangay Kagawad Asuncion, layunin nito na mabigyang-daan ang isasagawang malawakang disinfection.
Pinag-aaralan na ng mga opisyal ng barangay ang pamamahagi ng ayuda sa pamilyang kasalukuyang naka-strict home quarantine.











