--Ads--

CAUAYAN CITY- Kumbinsido ang pamilya ni Ginang Evangeline Bucarile ang labi na nakitang  palutang lutang sa ilog na bahagi ng Alicaocao na walang foul play sa insidente.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jenalyn Bautista, anak ng biktima sinabi niya na alas kwatro ng madaling araw nang umalis sa kanilang bahay ang kanyang nanay at nagtungo umano ito sa palengke.

Bago ang insidente, madalas na umanong tinatanong ng kanyang nanay kung saan ang Alicaocao bridge dahil napag-alaman ng biktima na maraming nasasawing buhay sa nasabing ilog.

Malimit din umanong magbiro ang biktima sa kanyang mga katrabaho kaugnay sa kanyang planong pagkitil sa kanyang buhay ngunit ipinawalang bahala ito lamang ng mga ito.

--Ads--

Ayon pa kay Jenalyn, wala namang nababanggit na problema ang kanyang nanay dahil sobrang bait nito ngunit napag-alaman na lamang umano nila na may pinagkakautangan ang kanyang nanay sa palengke.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa ilog na bahagi ng Purok 4, Brgy. Alicaocao, Cauayan Citynoong Sabado ng gabi.

Ayon kay Ginoong Roger Agcaoili, mangingisda na nakakita sa bangkay, kanyang sinabi na sumabit ang biktima sa kanyang lambat habang siya ay nangingisda sa ilog.