CAUAYAN CITY-Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng bagyong Ulysses sa rehiyon dos.
Sa kanyang pagdalaw sa lalawigan ng Cagayan ay kaagad nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulong at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa Cagayan na labis na naapektuhan ng pagbaha.
Layunin ng aerial inspection ng Pangulo kasama si Senador Bong Go , Labor Sec. Silvestre Bello III, DPWH Sec. Mark Villat at iba pang opisyal ng pamahalaan na malaman ang pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan
Sinabi ng Pangulo na nagbigay na ng paunang tulong ang DSWD sa mga naapektuhan ng pagbaha sa region 2 bukod pa sa tulong ng mga LGU’s at NGO’s.
Samantala, nagpahayag ng kalungkutan ang pangulo sa tinamong pinsala ng rehiyon dos, pangunahin na ang Cagayan.
Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at naging biktima sa malawakang pagbaha na iniwan ng bagyong ulysses.
Sa kabila nito tinitiyak ng pangulo na magpapatuloy at sisiskapin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang nanatiling lubog pa rin sa baha.
Nagpahayag naman ng suporta ang pangulo sa kampaniya ng mga kinauukulan laban sa illegal minning at illegal logging sa lambak ng Cagayan.
Hinikayat rin ng pangulo ang mga lokal chief executives na makipagtulungan sa binuong task force para sa rehablitation upang maibalik kaagad sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan ng pagbaha.





