--Ads--

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) at iba pang ahensya ng pamahalaan na ibalik agad sa normal ang suplay ng kuryente sa Visayas matapos ang sunod-sunod na blackouts.

Nagpulong ang Pangulo at ang mga opisyal ng DOE upang talakayin ang estado ng kuryente sa Luzon at Visayas, kung saan ipinag-utos niya ang pagtatayo ng mga bagong power plant at pagpapalawak ng transmission network.

Inatasan din ni Marcos ang Energy Regulatory Commission na suriin ang performance ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang matiyak na matatapos ang mga naantalang proyekto tulad ng mga submarine cable at transmission lines.

Bukod sa Visayas, tinutukan din sa pagpupulong ang sitwasyon sa Catanduanes at ang nagdaang malawakang blackout sa Palawan.

--Ads--

Nangyayari ang mga outage dahil sa mahigit 20 power plants sa Visayas ang kasalukuyang hindi gumagana, kaya naman nakaranas ang rehiyon ng 17 yellow alerts at apat na red alerts mula noong Mayo 12.

Sa kabila ng mga krisis na ito at ng tensyon sa Middle East, tiniyak ng DOE na may sapat pang reserba ng langis ang Pilipinas na tatagal ng 46 na araw.