--Ads--

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor upang higit pang mapaunlad ang space industry at makapagbukas ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council o PSAC Digital Infrastructure Sector Group, tinalakay ang mga oportunidad sa space industry, pagpapalawak ng digital economy at pagpapahusay sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na oportunidad sa mga kuwalipikadong Pilipino, gayundin sa maliliit na negosyo na may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa.

Umaasa si Marcos na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor, mas maraming Pilipino ang makikinabang sa mga bagong oportunidad at trabahong malilikha ng lumalawak na digital at space industry.

--Ads--