Naging abala ang huling araw ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Shenzhen, China ngayong Biyernes, sa pamamagitan ng serye ng mga opisyal na aktibidad.
Kabilang sa kaniyang isinagawa ang pakikipagpulong sa apat na Chinese companies na C&U Group, BYD Co. Ltd., Panhua Group at Mingyang Smart Energy Group, na sinundan ng business roundtable discussion.
Sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting, itinulak naman ni Pangulong Marcos ang pagpapalawak ng kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon pagdating sa ekonomiya at seguridad sa karagatan, kabilang ang sama-samang pagtugon sa ilegal na pangingisda.
Nagresulta rin ang paglahok ng Pilipinas sa summit sa paglagda ng kasunduang pangkalakalan sa Chile upang mapalawak ang merkado ng mga produktong Pilipino.










