--Ads--

Naging maingat at matipid ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pagbabago ng liderato sa Senado at sa mga naganap sa Mataas na Kapulungan.

Sa isang ambush interview sa Mandaluyong City, sinabi ng Pangulo na mas mainam na hintayin na lamang ang mga susunod pang kaganapan kaugnay ng isyu.

Kinumpirma rin niya na batid niya ang mga pangyayari sa Senado.

Samantala, ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dismayado ang Pangulo sa naganap na kaguluhan sa Senado, lalo’t dati rin itong nagsilbi bilang senador.

--Ads--

Aniya, makikita sa naging reaksyon at mga katanungan ng Pangulo sa mga Cabinet secretaries na hindi nito ikinatuwa ang sitwasyon sa Senado.