--Ads--

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng bagong guidelines para sa pagsususpinde at pagpapatuloy ng klase, lalo na sa harap ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, layunin ng panukalang sistema na maging mas malinaw at koordinado ang mga anunsyo upang maiwasan ang kalituhan ng mga magulang, estudyante, paaralan at local government units.

Isa sa mga pinag-aaralang panukala ang pagbibigay ng pangunahing papel sa mga lokal na pamahalaan sa pag-aanunsyo ng suspensyon, na dapat isagawa nang may koordinasyon sa Department of Education o DepEd.

Ito ay upang maiwasan ang magkakaibang abiso mula sa mga alkalde, gobernador at DepEd, lalo na kapag biglaang nagbabago ang lagay ng panahon.

--Ads--

Batay naman sa datos ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM II, tinatayang 20 araw ng klase ang nawala sa isang karaniwang pampublikong elementary school noong School Year 2025–2026 dahil sa mga suspension na dulot ng mga hazard o masamang panahon.