--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw, October 14, 2020 ang pinakamaraming bagong COVID-19 positive sa Isabela.

Ito ay matapos na maitala ang 68 kaso mula sa mga lunsod at bayan sa Isabela.

Sa nasabing bilang ay 34 ang mula sa Lunsod ng Ilagan, 27 sa bayan ng Gamu, 5 lima sa Cauayan City at tig-iisa sa bayan ng Alicia at Santiago City.

Sa ngayon ay mayroong 363 active case sa Isabela.

--Ads--

Tatlo rito ang Returning Overseas Filipinos (ROF), 37 ang Locally Stranded Individuals (LSI), 32 ang health workers at 291 ang nahawa dahil sa community transmission.