--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries and damage to property laban sa tsuper ng truck na nakabangga sa isang tricycle na nagresulta sa pagkamatay ng isang pasahero at pagkasugat ng dalawa pa sa National Highway sa Barangay Santos,Quezon, Isabela

Ang drayber ng tricycle ay si Ronaldo Trinidad, 46 anyos, may-asawa habang ang mga pasahero ay ang mag-asawang sina Reynaldo Garobo, 55 anyos, magsasaka at Rebeca Garobo, 59 anyos, pawang residente ng Dagupan West, Tabuk City, Kalinga.

Ang nagmamaneho naman sa Fuso Forward truck na may plakang 022401 ay si Melvin Ferrer, 21 anyos, binata at residente ng Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Captain Roberto Valiente, hepe ng Quezon Police Station na ang dalawang sasakyan ay parehong binabagtas ang lansangan patungong hilagang direksiyon nang mabangga ng forward truck ang sinusundang tricycle na sinakyan ng mga biktima.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog sa palayan ang tricycle at mga sakay nito.

Kaagad na dinala ng mga kasapi ng Rescue 819 sa Quezon Community Hospital ang mga biktimang sakay ng tricycle gayunman idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Reynaldo Garobo dahil sa tinamong severe head injury.

Nasa mabuti nang kalagayan si Ronaldo Trinidad habang si Rebecca Garobo ay under observation at inilipat sa pagamutan sa Tabuk City, Kalinga.

Ang tsuper ng nakabangga sa van ay nasa pangangalaga na ng PNP Quezon at inihahanda na ang kaso laban sa kanya

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng Quezon Police Station sa nasabing aksidente.

Ang bahagi ng pahayag ni Police Captain Roberto Valiente