--Ads--

Naglabas ng pahayag ang Phoenix Petroleum Philippines upang linawin ang isyu kaugnay ng ipinangakong “lifetime free fuel” para kay Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas.

Ayon sa kumpanya, natupad nila ang kanilang pangako matapos maibigay ang fuel donation sa loob ng dalawang taon, hanggang Marso 2022.

Gayunman, sinabi ng kompanya na nagbago ang sitwasyon nang pumasok umano si Diaz sa kontrata sa ibang fuel brand kaya hindi na naipagpatuloy ang parehong kasunduan.

Nauna namang ibinunyag ng manager ni Diaz na si Noel Ferrer na dalawang taon lamang natanggap ng atleta ang libreng suplay ng gasolina.

Sa kabila ng isyu, iginiit ng kumpanya na nananatili ang kanilang paggalang sa tagumpay ni Diaz sa 2020 Tokyo Olympics.