--Ads--
Mabibigat na laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas sa final window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers sa Hulyo sa Perth, Australia.
Mas lumakas pa ang Australia matapos idagdag si Bryce Cotton sa kanilang lineup, na unang lalaro para sa Boomers.
Debut ni Cotton ay sa Hulyo 3 kontra Guam, bago ang kanilang laban sa Gilas Pilipinas sa Hulyo 6 sa RAC Arena.
Kilala si Cotton bilang isa sa pinakamahusay sa NBL, kung saan siya ay may tatlong kampeonato at anim na MVP awards.
--Ads--
Isa siyang American-Australian player na naturalized noong nakaraang taon, at nagpakita ng impresibong stats sa Adelaide 36ers sa 2025-26 season.
Matatandaang tinalo ng Australia ang Gilas sa kanilang unang paghaharap, 93-66, noong Marso sa MOA Arena.











