--Ads--

Nagdagdag ng ikalawang medalya para sa Pilipinas si 17-anyos na si Pi Durden Wangkay matapos masungkit ang bronze medal sa men’s 200-meter sprint event ng 2026 Dakar Youth Olympic Games sa Senegal nitong Miyerkoles, oras sa Pilipinas.

Nagtala si Wangkay ng 21.36 segundo upang pumangatlo sa final round, kasunod nina Zimbabwe’s Ropafadzo Mzondo na nag-uwi ng gold medal sa 21.04 segundo at Guyana’s Deuquan’ Farrell na nakakuha ng silver.

Tabla sa 21.36 segundo sina Wangkay at Farrell, ngunit nanaig ang huli sa photo finish sa lamang na 0.004 segundo.

Sa kabila nito, nakapagtala si Wangkay ng bagong personal best at national records sa Under-18 at Under-20 categories.

--Ads--

Itinuturing din siyang kauna-unahang Pilipinong lalaking atleta na nakasungkit ng medalya sa athletics sa kasaysayan ng Youth Olympic Games.

Nadagdagan nito ang silver medal na naiuwi ni Naomi Cesar sa women’s 800-meter event, kaya mayroon nang dalawang medalya ang Pilipinas sa naturang kompetisyon.