Muling naghatid ng karangalan sa Pilipinas si Pi Durden Forward Wangkay matapos masungkit ang bronze medal sa Men’s 200-meter final sa oras na 21.36 segundo sa isang dikit na karera sa 2026 Youth Olympic Games sa Dakar, Senegal.
Nakapagtala ang Filipino sprinter ng 21.36 segundo (.355), bahagyang lamang sa oras ni Deuquan’ Farrel ng Guyana na nagtala rin ng 21.36 segundo (.359). Nagkahiwalay lamang ang dalawa ng 0.004 segundo sa laban para sa silver medal.
Nasungkit naman ni Ropafadzo Mzondo ng Zimbabwe ang gintong medalya matapos magtala ng 21.04 segundo, habang naiwan sa ikaapat na puwesto si Aron Horváth ng Hungary sa oras na 21.79 segundo.
Naitala rin ni Wangkay ang personal best sa naturang karera, matapos makapasok sa finals sa pamamagitan ng 21.96 segundo sa semifinals.
Inamin ng atleta na hindi niya inaasahang makapag-uuwi ng medalya sa kompetisyon at nakaramdam din siya ng kaba bago ang karera.
Ito na ang ikalawang medalya ng Pilipinas sa naturang kompetisyon, kasunod ng silver medal na naiuwi ni Naomi Cesar sa women’s 800-meter event.











