--Ads--

Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang batang Cauayeño na si Gray Anjeal Tactay, tubong Barangay Turayong, Cauayan City, Isabela, matapos masungkit ang bronze medal sa English category ng StemCo Global Finals sa Singapore.

Si Gray, 11-anyos at Grade 6 student ng TAPS Cauayan City, ay nakipagtagisan sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Singapore, Vietnam, Kazakhstan at Indonesia.

Ginanap ang kompetisyon noong Nobyembre 21 hanggang 22, 2026, kung saan sinubok ang kakayahan ng mga kalahok sa English.

Hindi ito ang unang international award ni Gray dahil nag-uwi rin siya ng bronze medal sa Junior Category ng World Young Chemistry Talent Olympiad 2026 sa Vietnam noong Oktubre.

--Ads--

Sa kaniyang pagkapanalo, muling ipinamalas ng batang taga-Turayong ang husay at kakayahan ng mga Pilipinong mag-aaral sa pandaigdigang entablado.