--Ads--

Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at German President Frank-Walter Steinmeier ang mas pinalakas na ugnayan ng Pilipinas at Germany sa iba’t ibang mahahalagang sektor tulad ng depensa, peacebuilding, maritime cooperation, kalakalan, at pamumuhunan sa isinagawang bilateral meeting sa Malacañang ngayong Martes, Hunyo 16.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay din ng dalawang lider ang mga hakbang laban sa climate change, pagpapaunlad ng renewable energy, at pagpapalawak ng people-to-people exchanges. Nagpalitan din sila ng pananaw sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na makasaysayan ang pagbisita ni President Steinmeier bilang kauna-unahang German President na bumisita sa Pilipinas sa loob ng 63 taon, huling nangyari noong 1963 sa panahon ni dating Pangulong Heinrich Lübke.