--Ads--

Posibleng umabot sa 6,500 ang karagdagang heat-related deaths sa Pilipinas mula Setyembre ngayong taon hanggang Pebrero 2027 dahil sa inaasahang matinding El Niño.

Batay sa ulat ng Climate Impact Lab ng University of Chicago, tinatayang nasa 6,500 ang maaaring madagdag na pagkamatay na may kaugnayan sa matinding init sa Pilipinas mula Setyembre 2026 hanggang Pebrero 2027, kumpara sa karaniwang taon.

Ang naturang bilang ay projection lamang at hindi pa aktuwal na bilang ng mga nasawi.

Sa buong mundo, tinatayang nasa 451,000 ang maaaring madagdag na heat-related deaths mula Hunyo 2026 hanggang Pebrero 2027 dahil sa matinding init na dulot o pinalala ng El Niño.

--Ads--

Ayon sa Climate Impact Lab, inaasahang mas matindi ang epekto nito sa mga bansang nasa Global South.

Sa Southeast Asia, tinatayang nasa 19,400 ang maaaring madagdag na heat-related deaths sa Pilipinas, Vietnam, Thailand at Cambodia, habang nasa 19,300 naman ang projection para sa Indonesia.

Batay rin sa pagtaya ng mga researcher, maaaring tumaas ng 44 porsyento ang bilang ng mga araw na makararanas ng matinding init kumpara sa normal na taon.