Habang nananatiling nakababahala ang economic difficulties at pag-atake sa mga mamamahayag, tumalon naman ang Pilipinas sa ika-116 mula sa ika-134, ito’y mula sa 180 bansa sa 2025 World Press Freedom Index, na pinakamataas na ranking sa loob ng 21 taon.
Nakatanggap ang bansa ng global score na 49.57, bahagyang mas mabuti kaysa sa 43.36 noong nakaraang taon, subalit nananatiling nasa ilalim ng “difficult situation,” ayon sa Paris-based Reporters Without Borders (RSF) sa report nito.
Ayon kay RSF Asia-Pacific Bureau advocacy officer Arthur Rochereau, habang ang sitwasyon sa Pilipinas ay nakakuha ng bahagyang pagbuti, mananatili pa ring nahaharap ang Filipino journalists sa kaso ng legal harassment, physical attacks, economic challenges, at red-tagging.
Sinabi pa ng RSF na ang kaparehong assessment sa report noong nakaraang taon ay nagsasabing, “there seem to have been fewer and less violent attacks” laban sa mga mamamahayag sa ilalim ng rehimeng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit sa ngayon nananatiling status quo ang “pagkabahala.”
Sa kabilang dako, sinabi naman ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na taong 2024, nagmarka ang unang taon sa dalawang dekada na walang miyembro ng mamamahayag ang pinatay sa bansa na may kaugnayan sa kanyang propesyon.
Gayunman, ang kamakailan lamang na journalist killing sa bansa ay nito lamang unang bahagi ng linggo.
Araw ng Martes, Abril 29, binaril ng tatlong beses ang Aklan-based veteran journalist at dating Kalibo town mayor na si Juan “Johnny” Dayang ng hindi nakilalang gunman o mamamaril sa labas ng kanyang bahay.
Idineklara namang dead on arrival si Dayang.
Binigyang-diin ng RSF World Press Freedom Index na ang sitwasyon ng press freedom sa bawat bansa o teritoryo kada taon sa pamamagitan ng indicators gaya ng ‘political, economic, legislative, at safety.’
Habang ang Pilipinas ay umakyat ng 18 pwesto, ang average score ng lahat ng assessed countries ay bumagsak mas mababa sa 55 puntos o sa “difficult” na sitwasyon.
Ang bansa ay tumaas lamang ng 6.2 puntos, nagpapahiwatig na marami pang dapat gawin para protektahan ang Filipino journalists.
Kinilala rin ng RSF ang kaparehong problema ng red-tagging laban sa journalists na nagpatuloy mula sa termino ni dating Pamgulong Rodrigo Duterte, kung saan sinabi ng media monitor na ang puntirya ay ang mga mamamahayag na nag-uulat hinggil sa drug war, hanggang kay Pangulong Marcos.
Sa World Press Freedom Index ngayon taon, 20 mula sa 32 bansa at mga teritoryo sa Asia-Pacific region ay nagkaroon ng pagbaba sa economic scores.
Kabilang dito ang India, Indonesia, at China na na muling pumasok “the bottom trio of the index” nauna lang sa North Korea.