CAUAYAN CITY – Ginawaran ng Medalya ng Kadakilaan si Patrolman Jayric Talosig ng City of Ilagan Police Station na tinaguriang hero cop matapos na sagipin ang isang SK Chairman sa gitna ng malakas na agos ng tubig noong kasagsagan ng malakawang pagbaha sa Marana 2nd, Lunsod ng Ilagan.
Sa pangunguna ni PBGen Crizaldo Nieves, Regional Director ng Police Regional Office (PRO)2, iginawad kay Patrolman Jayric Talosig sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City ang nasabing award bilang pagkilala sa ipinakitang kabayanihan at tapat na pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Matatandaan na sa naging ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Patrolman Talosig, sinabi niya na hindi siya nagdalawang isip na suungin ang baha at itaya angbuhay upang mailigtas ang naaanod na SK chairman.
Aniya, hinding-hindi niya tatalikuran ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa publiko bilang isang pulis.
Paalala niya sa mga Ilagueno na sumunod sa mga utos ng mga kinuuukulan lalo na sa panahon ng sakuna upang maiwasan ang kapahamakan.
Samantala, iginawad naman ang Medalya ng Kasanayan kay Pat. Bryan Bangayan matapos na tulungang manganak ang isang ginang sa Barangay Bagay, Tuguegarao City.











