Muling pinahanga ng Pilipinong singer na si Matty Juniosa ang international audience matapos ang kanyang emosyonal na pag-awit ng kantang Dream On sa Britain’s Got Talent.
Dahil sa kanyang makapangyarihang vocals, napa-wow ang mga hurado, kung saan iginawad ni Amanda Holden ang Golden Buzzer kay Juniosa. Dahil dito, direkta siyang nakapasok sa grand finals ng kompetisyon.
Matatandaan na maging sa unang round ng paligsahan ay nakatanggap na rin ng Golden Buzzer ang Pinoy singer, patunay ng kanyang consistent na kahusayan sa bawat pagtatanghal.
Patuloy namang umani ng papuri sa social media ang kanyang performance, kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa kanyang emosyonal at world-class na pag-awit.
Ang tagumpay ni Juniosa ay itinuturing na panibagong karangalan para sa Pilipinas sa larangan ng international talent competitions.






