--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 508, 000, 088 pesos ang halaga ng pinsala ng bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) region 2, sinabi niya na batay sa kanilang talaan nasa 508 million ang nasira sa palay, 222,000 sa mais at 162 million sa high value crops.

Plano ng DA na bigyan ng ayuda ang mga magsasaka ng palay habang magmumula sa Quick Response Fund ang ayuda na ibibigay sa mga magsasakang nasiraan ng pananim na mais.

Pangunahin sa mga mabibigyan ng ayuda ang mga magsasaka ng mais na huling nagtanim sa dry season.

--Ads--

Batay sa datos, nasa 10,000 hectares na totally damaged ang unang bibigyan ng ayuda habang isusunod ang mga partially damaged na 24,000 hectares.

Magmumula sa pondo ng Bayanihan 2 ang ayudang binhi na ipapamahagi sa mga magsasakang nagtanim ng High Value Crops (HVC).

Ang mga ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Rolly ay idadaan sa mga Municipal Agriculture Office (MAO) sa buong rehiyon.

Ayon kay Regional Director Edillo, ilang MAO na ang nakapag-release ng mga ayudang binhi sa mga magsasaka.

Pinayuhan ni Ginoong Edillo ang mga MAO na ubusin na ang kanilang bufferstocks.

Ang pahayag ni Regional Executive Director Narcisco Edillo.