--Ads--

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng spaceport at magsagawa ng rocket launch sa Cagayan sa 2027.

Kasunod ito ng pahayag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kung saan inanunsyo ang nakatakdang test launch sa susunod na taon.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakahanay ang nasabing proyekto sa modernization program ng AFP at sa mga kasalukuyang inisyatiba nito para mapalakas ang kakayahan ng sandatahang lakas.

Sinabi pa ni Padilla na malaki ang maitutulong ng proyekto sa pagpapahusay ng national defense, disaster response, at maritime security ng bansa.

--Ads--

Nauna nang ibinahagi ni dating AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. ang planong pagbuo ng isang space command ng militar, na napag-usapan nila ni Pangulong Marcos sa isang pagpupulong sa Camp Aguinaldo.

Tiniyak naman ng AFP na magpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine Space Agency at Department of Science and Technology para sa pagpapatupad ng proyekto.