--Ads--

CAUAYAN CITY – Inanyayahan ng Philippine Military Academy ang mga nagnanais maging PMA Cadet sa isasagawang PMA Entrance Examination sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LtCol. Edwin Lobog, Proctor Team Leader ng PMA Entrance Examination, sinabi niya na gaganapin ang entrance exam sa Isabela State University-Cauayan Campus sa ika21-22 ng Setyembre 2024.

Hinikayat niya ang mga aspirants na pwede ang walk-in sa PMA Entrance Exam.

Sa mga regular applicants, dalhin lamang ang printed exam permit at 2×2 picture na white ang background at valid ID.

--Ads--

Sa mga walk-in applicants, dalhin lamang ang duly accomplished Cadet Application Form na pwedeng idownload sa PMA Website o sa mismong examination center, photocopy ng PSA birth certificate, Photocopy ng Senior High School Form 137 o 138 na may at least 85% na GPA/GWA, 2X2 picture na may white background, Valid ID at no. 2 Mongol pencil.

Ayon kay LtCol. Lobog, ang kwalipikasyon para sa admission ay kailangang natural born Filipino, nasa 17-22 ang edad sa admission ng PMA sa June 1, 2025, at least senior high school graduate, may barefoot height na hindi bababa sa 5ft at hindi tataas ng 6’4” sa parehong kasarian.

Kailangan ding single at hindi kailanman ikinasal o nagkaroon ng anak; may good moral character, walang administrative o criminal charges na kinakaharap.

Para makapasok sa admission ay kailangang ipasa ang PMA Entrance Examination, physically at mentally fit sa military training, maipasa ang Physical-Medical Examination ng AFP Medical Board Nr 1 at maipasa ang Physical Fitness at Aptitude Test para sa Service Interview.

Ayon kay LtCol. Lobog, sarado na ang online o mail applications kaya ang walk-in application na lamang ang maari para sa mga nais mag-apply.