--Ads--

CAUAYAN CITY– Tiniyak ng Cauayan City Police Station na tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo sa kabila na may ilang nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station, tiniyak niya na lahat ng mga direct contact ng mga una nang nagpositibo ay naisailalim sa quarantine.

Anya, lahat ng mga COVID-19 Patient sa PNP Cauayan City ay pawang nakatalaga sa labas ng himpilan kung kayat hindi anya apektado ang kanilang serbisyo sa loob ng himpilan.

Tiniyak naman niya na lahat ng kanilang mga pulis na pumapasok ngayon sa kanilang himpilan ay walang pakikisalamuha sa mga una nang nagpositibo sa virus.

--Ads--

Sa ngayon ay binabantayan ng Cauayan City Police Station ang kalusugan ng lahat ng mga kawani ng himpilan.

Patuloy pa rin ang mga transakyon ng Cauayan City Police Station tulad ng pagkakaloob ng police clearance.

Paalala ng hepe ng pulisya sa publiko na dapat sundin pa rin ang mga health protocols.

Ayon kay Lt. Col Gamboa, mula sa 11 COVID 19 cases ng PNP Cauayan City ay dalawa na ang gumaling habang ang walong pang aktibong kaso ay nasa mga isolation facility at nasa maaayos na ring kalagayan.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt. Col. Gerald Gamboa

Samantala, Labis namang ikinalungkot ni Lt.Col. Gerald Gamboa ang pagpanaw ng isa sa kanilang kawani na nagpositive sa COVID 19.

Gayunman, nilinaw naman ng Cauayan City Police Station na hindi COVID 19 kundi heart attack ang pangunahing dahilan ng ikinamatay ng pasiyente.

Sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang PNP Cauayan City sa pamilya ng naturang pasiyente at sa City Health Office kaugnay sa paglilibing ng naturang pasiyente.

Dahil sa agarang paglilibing sa pasyente ay wala nang naisagawang gun salute para sa pumanaw na miyembro ng pulisya.

Ang karagdagang pahayag ni PLt. Col. Gerald Gamboa