--Ads--

Nakalatag na ang deployment plan ng Santa Fe Police Station sa mga pangunahing kalsada papasok ng Region 2 para sa Undas 2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Geriyell Frogoso, Chief of Police ng Santa Fe Police Station, sinabi nitong sa tri-boundary ng Pangasinan, Nueva Ecija, at Nueva Vizcaya ay idedeploy ang mga tauhan ang Regional Mobile Force Batallion (RMFB2).

Sa bahagi ng naman ng Malico, naka-standby na ang mga personnel ng Provincial Mobile Force Company (PMFC) Nueva Vizcaya. Maliban dito ay mayroon ding naka-station na DPWH Personnel.

Sa ngayon ay ipinatutupad ang open-close scheme sa bahagi ng Malico, papasok ng Pangasinan dahil sa road widening. Ang naturang daan ay sarado tuwing 9:00am hanggang 11:00am at 2:00pm hanggang 4:30pm.

--Ads--

Samantala, iisa lang naman ang babantayan nilang sementeryo sa bayan ng Santa Fe dahil karamihan sa mga indigenous people ay sa lugar ay bakanteng lote sa kanilang bahay inililibig ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sisimulan ang deployment sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3.

Pangunahing tinututukan ng kanilang hanay ang vehicular accident na kadalasang nagdudulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Pinaalalahanan naman nito ang mga motorista na mag-ingat ugaliing i-check ang sasakyan bago bumiyahe upang maiwasan ang aberya sa daan.