--Ads--

Nakalatag na ang deployment plan ng San Manuel Police Station para sa nalalapit na paggunita ng Undas ngayong taon sa San Manuel, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Leonard Mamerga, Officer-in-charge ng San Manuel Police Station, sinabi niya na mayroong 54 personnel na ipakakalat sa iba’t ibang lugar na inaasahang dadagsain ng mga residente sa Undas.

Hindi naman na nanganailangan ng augmentation para sa karagdagang personnel sapagkat mayroon lamang tatlong sementeryo sa kanilang nasasakupan na kanilang babantayan.

Sa ngayon, Oktubre 25 ay hindi pa nagsimula ang deployment ng kanilang mga tauhan subalit sa oras na magsimula nang dumagsa ang mga tao sa iba’t ibang places of convergence ay sisimulan na ng kanilang hanay ang pagbabantay.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Mamerga, mariing ipagbabawal ang pagdadagala ng patalim o anumang deadly weapon sa loob ng sementeryo at maging ang alak upang maiwasan ang mga hindi  kanais-nais na insidente na maaaring maitala.

Nilinaw nito na hindi magbibigay ng exemption ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa kaya tuloy pa rin ang pag-i-issue ng ticket sa mga motoritang lalabag sa batas trapiko.