--Ads--

CAUAYAN CITY –   Humiling ng pondo ang DA region 2 sa kanilang punong tanggapan para sa pagsasagawa ng cloud seeding operation para sa hangaring mailigtas pa ang mga pananim na mais mula sa pagpinsala  dahil sa nararanasang tagtuyot bunsod ng ilang linggo nang kawalan ng pag-ulan .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2 na makakatuwang nila sa pagsasagawa ng cloud seeding operation kapag naaprubahan ang hinihiling nilang 5 million pesos na pondo ay ang NIA region 2 na nais ding mapunan ng tubig ang Magat Dam para may maipalabas na tubig sa mga irigasyon.

Hihilingin din nila ang tulong ng Philippine Air Force para mga eroplano nito ang magsasagawa ng cloud seeding operation.

Ayon kay Regional Director Edillo, ang kanilang report para mahingi ng pondo para sa cloud sedding operation dahil nalalanta na ang maraming pananim na mais ay ipinadala nila dalawang linggo na ang nakalipas sa kanilang central office.

--Ads--

Maaari pa aniyang makarecover ang mga mais na nasa vegetative stage na kapag umulan.

Sa target aniya na 14,39 hectares na mataniman ng mais ay 209, 995 hectares ang nataniman ng mais.

Ang mga bagong tanim na sumisibol pa lamang ay kabilang din sa mga apektado ng kawalan ng ulan.

Karamihan sa mga standing crop sa mais  ay nasa vegetative at reproductive stage at ang lubhang apektado ng tagtuyot ay ang mga nasa vegetative stage.

Ayon kay Ginoong Edillo, may mga lugar sa region 2  na sobra ang ulan at may lugar na nalalanta na ang mga tanim na mais dahil sa kawalan ng ulan.

Bahagi ng pahayag ni Regional Director Narciso Edillo ng DA region 2