--Ads--

Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang Santo Papa matapos ang isang linggong pananatili nito sa pagamutan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Rome, sinabi niya na patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga doktor sa kaniyang kondisyon kaya naman tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng Oxygen kay Pope Francis.

Gayunpaman ay patuloy na lumalaban ang Santo Papa dahil nakakapagbiro pa ito sa kabila ng mga iniinda nitong karamdaman.

Kabi-kabilaan aniya ang mga isinasagawang misa sa Roma para sa agarang paggaling ni Pope Francis.

--Ads--

Maging ang Filipino Community sa Rome ay nakikiisa rin sa pag-aalay ng panalangin dahil ayon kay Fr. Gaston, umaabot sa 50-60 masses kada Linggo.