--Ads--

Lumabas na ang puting usok sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican na senyales na may bago nang Santo Papa.

Ibig sabihin nito ay nakapili na ang 133 cardinals na nasa loob ng chapel para pagbotohan kung sino ang susunod na Santo Papa.

Hindi pa naman inilalabas ang pagkakakilanlan ng bagong pontiff ngunit inaasahan ang pag-anunsyo ng mga Vatican officials sa balcony ng St. Peter’s Basilica.

Si Cardinal Dominique Mamberti,  73-year-old Frenchman mula sa Morocco ang inaasahang magbibigay ng anunsyo. Ito ay kung hindi siya ang napili o inihalal na papa.

--Ads--

Lalabas din pagkatapos ang bagong Papa para sa kanyang address sa publiko na naghintay sa labas ng Basilica.

Karaniwang ginagawa pagkatapos ng matagumpay na pagboto ay ang pagtatanong ng mga senior cardinals sa bagong papa kung tatanggapin nito ang kanyang canonical election bilang supreme pontiff.

Kung ito ay kanyang tinanggap, muli siyang tatanungin kung anong pangalan ang nais niyang itawag sa kanya.

Matapos nitong masagot ay mag-aalay ng homage at pledge of obedience ang mga cardinal electors sa bagong pinuno ng simbahan saka dadalhin siya sa sacristy para sa fitting ng papal attire.

Panghuli ay ang pronouncement mula sa salitang Latin – “Annuntio vobis gaudium magnum: Habemus Papam!” ibig sabihin (“I bring you tidings of great joy: We have a pope!”) at ang bagong papa naman ay magbibigay ng apostolic blessing sa throngs of faithful.

Ang bagong Pontiff ay pinili ng 133 cardinal electors sa pamamagitan ng two-thirds majority.