Napili bilang bagong Santo Papa si Cardinal Robert Prevost.
Ang 69-anyos na si Prevost ay siyang kauna-unahang American pope sa kasaysayan ng Simbahang Katolika.
Pinangalanan siya bilang Pope Leo XIV na siyang magiging ika-267 na Santo Papa.
Si Pope Leo XIV ay ipinanganak noong Setyembre 14, 1955 sa Chicago, Illinois.
Taong 2023 ng italaga siya ni Pope Francis bilang prefect of the Dicastery for Bishops at pangulo ng Pontifical Commission for Latin America.
Si Cardinal Dominique Mamberti, mula sa Morocco naman ang nag-anunsyo sa napiling Santo Papa.
Matapos nito ay lumabas ang bagong Papa para sa kanyang address sa publiko na naghintay sa labas ng Basilica.
Agad namang nagpost ng pagbati si US President Donald Trump kay Cardinal Robert Prevost matapos na mapili bilang bagong Santo Papa.
SAMANTALA Madalas bumisita sa Pilipinas si Cardinal Prevost na ngayon ay si Pope Leo XIV.
Bago pa man naging ika-267 Santo Papa si Rev. Fr. Robert Francis Prevost OSA nagdiwang na siya ng Misa sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila.
Kaniya ring pinuntahan ang Augustinian Community sa Santo Niño de Cebu Parish na matatagpuan sa Barangay Mohon, Talisay City, Cebu noong January 2004.