Nananatiling walang naitalang paglabag ang Public Order and Safety Division (POSD) mula sa mga gasolinahan sa Cauayan City pagdating sa hoarding at profiteering ng mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi nito na patuloy na binibisita ng kanilang hanay katuwang ang iba pang ahensya na kasama nila sa task force ang mga gasoline stations.
Bagama’t kamakailan ay mayroong nahuling indibidwal sa Rogus, Cauayan City dahil sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo, nilinaw ni Mallillin na ito ay walang Certificate of Compliance (COC), permit, at pahintulot mula sa Department of Energy (DOE) na kinakailangan para sa regulasyon ng mga produktong petrolyo.
Dahil dito, mas paiigtingin ng POSD ang pagmomonitor sa mga nagbebenta ng malalayong bahagi ng Cauayan City upang matiyak na legal ang mga ito nakasusunod sa mga panuntunan at regulasyon sa pagbebenta ng produktong petrolyo.











