--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinagpapatuloy ng Public Order and Safety Division ang pagtanggal ng body number ng mga namamataang namamasadang colorum na tricycle sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayamng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na hindi lahat ng may body number ay nakapag- renew ng kanilang prangkisa kaya ito ay kinokonsidera pa rin nilang  colorum.

Batay sa datos ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) tinatayang 10% ang hindi nakapag- renew dito sa lungsod ng Cauayan simula nang magkaroon ng pandemya.

Kaya naman lahat ng nahuhuli nilang colorum ay tinatanggalan na ng body number upang tuluyan nang hindi makapamasada.

--Ads--

Pinag-uusapan na rin nila ang paglalagay ng sticker na nakasulat ang “SERVICE” sa mga tricycle na natanggalan ng body number.

Ito aniya ang nakikita nilang paraan para masawata ang pagdami ng mga colorum sa Lungsod.