Napag-usapan sa special Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministers on Energy Meeting (AMEM) ang kooperasyon ng mga bansang miyembro ng ASEAN para sa energy security.
Natalakay din ang posibilidad ng pagkakaroon ng ASEAN grid upang masiguro ang sapat na supply ng kuryente sa rehiyon.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin, tumutulong ang ibang miyembro ng ASEAN sa mga bansang nangangailangan ng supply ng langis tulad ng Pilipinas.
Inihalimbawa niya ang South Korea at Japan na nakikipag-ugnayan sa Pilipinas, bukod pa sa mga bansang hindi miyembro ng ASEAN gaya ng Africa at Amerika.
Samantala, sinabi ni Garin na hindi pa nakakabili ang Philippine National Oil Company (PNOC) ng langis mula sa Russia.Philippine News Digest
Bagama’t dismayado ang Ukraine sa naturang hakbang ng Pilipinas, iginiit ni Garin na dapat intindihin na naapektuhan lamang ang bansa sa giyera sa pagitan ng Iran at Amerika.






