--Ads--
CAUAYAN CITY– Nagbabadya ang pagtaas ng singil ng kuryente ng Isabela Electric Cooperative ( ISELCO 2) dahil sa nagaganap na tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni General Manager Dave Solomon Siquian ng ISELCO 2 na sa ngayon ay sapat pa ang tustos ng kuryente ng nasabing kooperatiba.
Subalit sa ngayon ay inaabangan ang pagtaas ng kuryente dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Middle East dahil tiyak na mag-iiba ang presyuhan ng kuryente world market
Malaking bagay anya ito dahil karamihan sa mga generator ng power providers ay fuel generated at kapag nagtaas ng fuel at diesel ay tiyak din na magtataas ang operational expences ng mga generators na tiyak na maipapasa sa mga consumers.
--Ads--










