--Ads--

Tahasang itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga alegasyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na diumano’y isinusulong niya ang isang no-election scenario para sa taong 2028.

Ayon sa Pangulo, marapat lamang na sibakin ng senadora ang tauhan nito na nagbigay ng maling impormasyon dahil ang pagpapakalat ng pekeng balita ay nakasisisira sa lahat, hindi lamang sa mga taong binabatikos nito kundi maging sa mga nagpapakalat mismo ng impormasyon.

Binigyang-diin pa ni Pang. Marcos Jr. na ang katotohanan ay kailanman ay hindi naging paksa sa alinmang pagpupulong o usapan ang pagpapaliban ng halalan, kasama ang kahit sino, o sa anumang oras, kaya hindi niya alam kung saan nanggaling ang naturang usapin.