Plano ng bagong kalihim ng Department of Labor and Employment na bumuo ng isang labor legal counsel program na tutulong sa mga mahihirap na manggagawang nangangailangan ng legal assistance.
Ayon kay Sec. Francis Tolentino, nais niyang magkaroon ng serbisyong kahalintulad ng Public Attorney’s Office o PAO ngunit nakatuon sa mga usaping paggawa at karapatan ng mga manggagawa.
Layunin umano ng programa na mabigyan ng libreng legal assistance ang mga empleyadong walang kakayahang kumuha ng pribadong abogado, lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa labor violations, illegal dismissal, at iba pang labor disputes.
Binigyang-diin din ni Tolentino ang kahalagahan ng mas madaling access ng mga manggagawa sa hustisya at proteksyong ibinibigay ng batas.
Kasabay nito, tiniyak ni Tolentino na higit pang palalakasin ng DOLE ang mga programa para sa job generation, labor rights protection, at workplace safety sa iba’t ibang bahagi ng bansa.











