--Ads--

Mas pinaiigting ng Burgos Police Station ang mga programa at aktibidad ng kanilang himpilan na may kaugnayan sa pagpapababa ng bilang ng naitatalang aksidente sa daan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, Chief of Police ng Burgos Police Station, sinabi niya na isa ang vehicular accident sa mga insidenteng madalas maitala sa kanilang nasasakupan na hindi umano maiwasan minsan na dahil na rin sa iba’t ibang mga factors gaya na lamang ng maulan ang panahon, at human error.

Gayunpaman, karamihan umano sa mga nasasangkot dito ay minor lamang tinatamong injuries.

Upang mas mapalawak ang pagbibigay ng sapat na kamalayan sa mga motorista ay mayroon silang best practices na inooberved, ito ay ang Poject Kalsada na naglalayong magbigay-kaalaman sa mga drivers at commuters para makaiwas sa disgrasya.

--Ads--

Maliban dito ay bumibisita rin sila sa mga paaralan para magsagawa ng symposium at information dissemination hinggil sa pagmamaneho ng walang kaulukang dokumento gayun na rin ng pagbibigay ng awareness sa ilegal na droga.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ang PNP Burgos ng Memorandum of Agreement o MOA Signing kasama ang isa sa pinakamalaking paaralan sa bayan ng Burgos para sa ‘Barkada Kontra Bisyo’ na isang adbokasiya na isinusulong ng mga kapulisan upang ituro sa mga kabataan ang ilang mga batas, mga dapat at hindi dapat gawin ng isang kabataan, at maging ang pagtuturo ng basic self-defense.

Samantala, mahigpit din ngayon ang pagsasagawa ng anti-criminality checkpoint sa bayan ng Burgos upang mapigilan ang anumang ilegal na gawain. Nito lamang nakaraang buwan ay mayroon umano silang nahuli na isang indibidwal na nakitaan ng ilegal na droga sa checkpoint na nagresulta sa agaran nitong pagkakaaresto.

Tiniyak naman ni PMaj. Mallillin na patuloy ang ginagawa nilang koordinasyon sa mga barangay officials, at mga programa ng PNP upang tuluyan nang masugpo ang ilegal na droga sa kanilang nasasakupan at mapanatili ang pagiging drug-cleared municility at drug-free workplace ng Burgos.