Humihirit ang prosecution panel ng Kamara sa Senate Impeachment Court ng 62 a Humihirit ang prosecution panel ng Kamara sa Senate Impeachment Court ng 62 araw para sa presentasyon ng ebidensya at mga testigo, samantalang ang defense team ni Vice President Sara Duterte ay 30 araw lamang ang nais. Kaugnay ito sa nakatakdang pagsisimula ng paglilitis sa Hulyo 6.raw para sa presentasyon ng ebidensya at mga testigo, samantalang ang defense team ni Vice President Sara Duterte ay 30 araw lamang ang nais. Kaugnay ito sa nakatakdang pagsisimula ng paglilitis sa Hulyo 6.
Ayon kay House legal spokesperson at private prosecutor Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., nakabatay ang kahilingan ng prosekusyon sa dami ng mga testigo at ebidensyang nakasaad sa kanilang pre-trial brief.
Nilinaw ni Tolosa na ang kahilingan ng prosekusyon ay hindi nangangahulugang tatagal ng 62 araw ang paglilitis. Maaari umanong paikliin ng Senate Impeachment Court ang iskedyul sa pamamagitan ng pagpapahintulot na magprisinta ng higit sa isang testigo kada araw.
Isiniwalat pa niya na nadagdagan ang listahan ng testigo ng prosekusyon mula 57 hanggang 97, habang iginiit ng depensa na dapat matapos ang paglilitis sa loob ng 30 araw.
May 51 common witnesses na parehong tinukoy ng prosekusyon at depensa. Kabuuang 165 pangalan ang nakalista, bukod pa sa 35 hindi pa napapangalanang testigo.
Kabilang sa mga testigo ng depensa ang mula sa Office of the Vice President (OVP) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Binigyang-diin ni Tolosa na sa Senate Impeachment Court nakasalalay ang pinal na bilang ng kabuuang araw ng paglilitis laban sa Bise Presidente.











