--Ads--

CAUAYAN CITY– Naghatid ng relief packs ang Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Quirino sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Isabela at Cagayan.

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSWD Officer Jun Pagbilao ng Quirino na naka-repacked na ang mga relief goods na ipinadala sa Isabela at cagayan .

Nasa humigit kumulang 5,000 relief packs para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Cagayan at Isabela.

Dalawang libong food packs ang ipapadala sa lalawigan ng Cagayan kung saan isang libong food packs ang mapupunta sa Lunsod ng Tuguegarao habang 2,000 food packs din sa Isabela

--Ads--

Nauna na ring kinumpirma ni PDRRM Officer Jimmy Rivera ng Isabela na dumating na ang ayuda mula sa lalawigan ng Quirino .

Tuloy tuloy pa rin ang pagtanggap nila ng walk in donations na dinadala ng mga walk in donors.

Bumili rin ang PSWD Quirino ng ilang sako ng bigas mula sa National Food Authority o NFA na nakatakda ring mai-repack.

Samantala, nagpadala naman 50 health worker ang lalawigan ng quirino sa lalawigan ng cagayan na tutulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residenteng nanatili sa mga evacuation center.

Tinig ni PDRRM Officer Jun Pagbilao