--Ads--

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na walang valid permit ang rally na isinasagawa sa EDSA–People Power Monument na nagsimula madaling araw nitong Martes.

Una rito, libu-libong indibidwal ang nagtipon sa EDSA at White Plains Avenue bilang suporta umano kay Senador Rodante Marcoleta, na nakatakdang sampahan ng kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign donations noong 2025 midterm elections.

Ayon kay Torre, walang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya at wala ring permit ang naturang pagtitipon.

Batay sa crowd estimate na inilabas alas-9:00 ng umaga, iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) na umabot na sa 9,000 ang bilang ng mga raliyista sa lugar.

--Ads--

Samantala, nagpapatuloy rin ang hiwalay na pagtitipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Ayon sa Manila Police District (MPD), nasa 400 katao ang nagtipon sa nasabing lugar.