Itinalaga na bilang susunod na pinuno ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA si Swift Traffic Action Group head Ruby Bron, kapalit ni Gabriel Go.
Kinumpirma ito ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes sa isang press conference nitong Miyerkules, Nobyembre 11.
Ayon kay Artes, hindi na pumapasok sa tanggapan ng MMDA si Go, bagama’t hindi pa ito pormal na naghahain ng pagbibitiw sa puwesto.
Una nang ipinahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon ang kagustuhang kunin si Go bilang assistant secretary ng Department of Transportation o DOTr upang mamahala sa road transport at infrastructure operations.
Kabilang sa mga inaasahang tututukan ni Go sa DOTr ang mga programa para sa pagpapahusay ng pampublikong transportasyon at pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura sa lansangan.










